Sept. 8, 2002

di ako marunong magsulat

mga kadramahan ng isang disillusioned Journ major

Di pala ako marunong magsulat.

Langya, di ko talaga alam kung bakit, all these seventeen years, kailangan ngayon ko lang ma-realize ‘to. Imagine, all these years, pinapaniwala ko lang pala ang sarili ko na marunong akong magsulat.

Come to think of it though, pinapaniwala rin ako ng ibang tao na marunong akong magsulat. Mga teacher ko nung grade school, sabi nila marunong daw akong magsulat. Sabi ko nun, wala akong pakialam. Grumadweyt ako ng elementary, di ako sumulat sa school paper. Kasi di ako naniwala.

Nung nag-high school ako, ayan na naman sila, mga teacher na pilit akong pinapaniwala na marunong akong magsulat. Naisip ko, baka nga naman writer pala talaga ako. So sinubukan ko siya, ang pagsusulat. At na-in love ako sa kanya.

Sumulat ako sa paper. Sabi pati ng editors ko, Uy, marunong kang magsulat. Ako naman si gaga, naniwala na ako. Aba, maraming tao na ang nagsasabi, baka nga naman marunong pala talaga akong magsulat. Third year pa lang ako, binigyan na ako ng editorial post. Pinagsulat nila ako ng columns, at nearly 40% ng articles sa paper, ako na rin ang gumagawa. Pero kahit na parang suicide attempt na yun, pinagpatuloy ko pa rin ang trabaho ko sa school paper. Siguro, masyado lang akong na-fascinate sa bago kong realization – bwakanashet, marunong akong magsulat!

Tapos, may nagsabi sa kin Uy, marunong ka rin palang humawak ng bola. So nag-varsity rin ako ng basketball.

Ngayon ko lang na-realize, napaka-gullible kong tao.

Hindi ako magaling mag-basketball, pero mas tanggap ko yun. Kasi nga, naisip ko, physical limitations ko na ang nagdikta nun. Ngayon, di ko na siya masyadong iniisip, na bano talaga ako sa basketball…

Ang di ko ma-take na realization ay yun nga – na hindi pala talaga ako marunong magsulat. Naisip ko kasi – or siguro nga, nakundisyon lang ako na mag-isip nang ganito – putragis, kaya ko ‘to eh! Sabi nila, marunong akong magsulat! Di ko matanggap, andami-daming taong nagsabi sa kin nun, tapos heto. Kailangan lang talaga, ngayon ko pa mapagtanto ang mapait na katotohanan.

Kung kailan Journ major na ako dito.

You see, pagpasok ko ng kolehiyo, Journalism yung kinuha ko. Naisip ko kasi, baka ganito naman pala talaga ang buhay ko dapat. Tsaka, in love na ako sa pagsusulat – ito na ang buhay ko, paniwala ko. Buong-buo na ang isip ko, dun na ako pupunta, sa industriya. Buong-buo na ang konsepto ko ng bukas ko – at umikot yung sa nag-iisang bagay na nagpapasaya sa akin, na mahal ko, at alam kong kaya ko – ang pagsusulat.

Putris, di ko pala kaya. Nagkamali ako.

In love pa rin ako sa kanya, you see? Sa pagsusulat. And all this time, akala ko in love rin ang pagsusulat sa ‘kin. Hindi pala. Or baka naman there was this time na in love rin siya sa ‘kin…

Pero ngayon, hindi na. I’m all too sure. Para akong baliw, pinagsisiksikan, pinagpipilitan ang sarili sa isang bagay na ayaw naman sa ‘kin.

Sabi nila, Gusto mo yan, ipaglaban mo… Ipaglaban ko raw. Pero kasi, hindi naman dahil sa gusto ko, tamang ipagpilitan ko ang sarili ko. Minsan kasi, di naman tama na yung gusto ko na lang lagi ang masusunod.

Ang bilis-bilis kasi ng takbo ko, ang ganda-ganda na ng buhay, taas ng grades, well-appreciated naman ako, then… BLAG! Ayun ang pader, may nakasulat, Journ101, akala ko keri ko… Hindi pala. Sumalpok ako, in short. Bumagsak ako, duguan pa.

Gusto kong sumigaw – Pero mahal ko ang pagsusulat! But then again, I realized love doesn’t solve anything.

Love can’t teach me how to write.

Looking back, gusto ko silang pagbabatukan, pagsasampalin – yung mga taong pinaikot ako at pinapaniwala akong marunong akong magsulat. Bull. Shit.

Kung di na lang nila sinabi, siguro nag-Eng’g na lang ako. At least ang Math, napag-aaralan. Iisa lang ang sagot, yun lang ang tama. Hindi yung nakasalalay sa kung sinong Pontio Pilato ang grade mo, hindi yung nakabingit ka nang alanganin, naghihintay ng kaunting indikasyon kung nagustuhan ba niya yung sinulat mo o hindi… Ngayong Journ major ako, nakasalalay ang bukas ko sa pagsusulat – at hindi lang basta pagsulat, kundi yung pagsusulat na dapat napi-please yung ibang tao.

Di ako marunong nang ganun. Lahat na lang ng isulat ko, mali. Hindi maganda, hindi tama, hindi sapat.

Everything I write is just not enough. Not enough to give me decent grades, at least. And, at this point, these are the things that matter. Kahit ayaw ko, ano nga bang magagawa ko, di ba?

Ganun eh.

Masakit, kasi pinaghirapan, kasi akala ko okay na okay na yung ginawa ko. Akala ko, my approval of myself and my own works is all I’ll ever need. Hindi pala ganun ang takbo ng buhay na pinili ko.

So naisip ko… baka nga mali ako. Baka mali ‘to. I mean, paano mabubuhay at makakagradweyt ang isang Journ major na hindi marunong magsulat? Nakakapangilabot isipin.

Wala pala akong bukas.

Pero in love nga ako sa pagsusulat! But then again, as I’ve said, love doesn’t count for much now. Hindi ako pakakainin ng lintek na pagmamahal na yan. Hindi ako gagradweyt dahil lang sa mahal ko ang pagsusulat – there has to be something more. Kailangan, marunong. Kailangan, magaling.

Kung ganun lang sana ang takbo ng mundo, sana walang mahirap, walang gutom. Kung pag-ibig lang ang batayan ng lahat…

Eh hindi eh. And I have to live with this shit.

Di pala ako marunong magsulat. Nung makuha ko yung resulta ng midterm ko, yun pala ang point ng prof ko. Ayoko namang matawag na slow. Tama na lang na hindi lang ako marunong magsulat. Ayoko namang maging manhid, maging feeling. Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa isang bagay na hindi para sa akin.

Dama ko pa rin ang lupa sa gilid ng mukha ko. Pagtingin ko, duguan pa rin ang labi ko. Andiyan pa rin ang pader na may label na Journ101.

Pero come to think of it – may choice pa rin pala ako.

Pwede akong tumayo, sabihing I’ll always love writing, and turn back around in defeat.

On the other hand, pwede rin akong tumayo, sabihing I’ll always love writing, and hurl myself, face first, against the wall, again and again, until I lose all the blood I could lose, or until the wall is torn down. I guess, whichever comes first.

So, ano na ang next move?

Honestly, di ko alam. Di pa ako nakakatayo eh.

Di ko pa kaya.

===

fuck. i hate being not enough.