June 4, 2004

registration horrors

o di ba. i'm starting this june blog with a narration of this sem's registration process.

ika nga ni jaycee - parang Extra Challenge yung dinaanan ko.

insert: (Paolo Bediones (VO): sundan natin si Kate sa pag-eenlist ngayong sem. Ayan papasok pa lang siya sa Journ dept. Pero hindi niya alam na NINE UNITS LANG ang binigay sa kanya ng CRS ngayong sem. Kayanin niya kaya to, o susuko siya at magle-Late Reg??)

Day Zero - June 1 - sabi nila pde na raw mga graduating ng March, pero biglang binawi. (na-reimburse na ba ni jobert yung mga pamasahe ng mga lumuwas nang maaga? hehehe.) nanood na lang ng Day After Tomorrow. Nilamig, nagkape.

Day One - June 2 - napasakamay ko ang natatanging pruweba ng karumaldumal na krimen ng CRS sa akin - Form5A. katibayan na nine units lang ang binigay sa akin. holy kamote fries.

since tricoll - maghanda talaga kayo sa akin mga lintek kayo, hintayin niyo lang na asa workplace na tayo! - eh wala akong napala sa umaga. nagplano na lang na manood ng hp, na hindi naman natuloy dahil 1) nagutom ako at 2) andaming tao. sa wednesday na lang.

buti na lang may mabuti akong blockmate (i love you mhel! mwah!) na nagsabi sa akin na may available na na STS sa CS atrium. nilipad mula SM North hanggang CS. pumila. nakakuha. ipinila pa yung ibang tao *ahem* para maging kaklase. ay martir, patayuan na ako ng rebulto please.

Day Two - June 3 - buti na lang mabait (at kaibigan *niya*) yung RA sa CW kaya nakakuha ako ng CW 198. sex and writing. good luck na lang sa akin at sa mahalay kong sem. rawr.

wala pa ring PI. putanginang tricoll yan.

Day Three - June 4 - ngayon. buti na lang naisip kong magcamp-out sa AS at awa ng diyos eh nakakuha naman ako ng PI 100.

aminin niyo - ipinila ko ngayong sem ang PI at STS! tangina! itayo ako ng rebulto bilis!

hayy. pero sabagay. masaya naman ang linggong ito. 2 inuman session in a week - not bad at all. *grin*

naiinis ako at wala na akong libreng journ elective kung kelan naman nag-offer ng Journ111 si mam carlos. grrrrrr man.

* * *

buti na lang may alma moreno at melanie marquez wisdom:

alma: (to mark anthony) I told you not to go to, but you go to! now look at.

translation: sabi ko sa yo wag ka nang magpunta, pero nagpunta ka pa rin. ngayon, tingnan mo.

* * *

melanie marquez: (to waiter) you see this margarita? (dramatic pause) it's not.

* * *

salamat sa mga blockmate ko sa pakikiramay sa akin sa panahon ng aking kabaliwan. hay. extra challenge na yun? pano pa kaya ang rest ng sem na ito? waaaaah.