Dec. 17, 2004

matanda

and other lantern parade stories

author's note: hay. isang linggong compilation. pano, matagal na walang uwing matino, tsk tsk tsk.

* * *

natawa ako sa sarili ko - i was actually standing in the middle of the CMC parking lot, holding a bamboo pole with a TV, at 7 in the evening.

sabi nga nung isang kaibigan ko, ano ba yan, hanggang ngayon ba naman eh nagdidirty work ka pa rin?

*blush* makapal lang talaga ako at gusto ko lang talaga sumayaw. (ah ganun pala - kung hindi sa cultural night, sa lantern parade! bwahahhaa...) atska.. i don't really mind.

wala lang. dati, nung bago pa lang ako sa org, inisip ko, ah i'll do the dirty work now, pay my dues... tas when i rise along (up? on?) (shitty preposition skills) tas when i become an officer, i'll have other people do them for me.

but for some reason, i still find myself posting teasers every now and then sa AS, or arranging room reservations, handling logistics, preparations... and i don't mind. and they look at me like, hello? anuveh. you should have other people do that.

wala lang. iniisip ko minsan, pinagtatawanan kaya nila ako - kahit may posisyon nang maituturing eh nagdidirty work pa rin ako? on the other hand... wala lang. tawagin man nilang abnormal ang set of principles ko, hindi talaga ako comfortable na utos lang ng utos tas di ko naman nararamdaman yung napagdaraanan nila. kasi ayaw ko rin naman sa mga taong ganun, na utos lang nang utos, di naman nagdidirty work.

and besides, i could only do so much after having been given the privilege, not only of having my name printed as the "head" of this organization, but also of leading and being with these wonderful people.

di ba - para maibalik man lang. di man ako ubod ng tino bilang chair, as we all know, sinusubukan ko namang makipagkapwa-tao.

* * *

nga pala. congrats na lang sa maskom for winning Most Creative sa lantern parade. hahaha. as usual. hindi man nanalo ng Best Parol, oh well, narerecognize pa rin. hahaha. 10thou rin raw yun. how true kaya? (austerity measures raw o. hehehe, kidding. btw, that fireworks display rocked.)

***

hay. nakakapagod ang lantern parade, speaking of. pero at least, mas magaan na kaysa kay Gahaman last year ang mga parol-cum-microwave na lantern-ets (hahaha whattaword) namin. hehehe.

TV ito - hindi microwave! *wave*

hahahha. iba talaga ang humor ng mass comm. eventually, ang chant naging, tv ito - with microwave para wala na lang gulo. hahahha panalo.

hay ang bengga. as usual, org na naman ang naghandle mostly ng kaparulan etc. (Parollers! naknampucha! hehehhe... sayang wala tayong pictures! arrrggghhh...) sobrang kabakla nga lang at kulang lagi kapag may practice, ang complicated pa man din ng aming performance. nyek. hehehe.

actually, gusto ko sanang magsayaw lang - humawak ng parol at sumunod ng directions re: levels and sensitivity, c/o sir jun (hehe)... pero di ko akalaing GANUN pala kacomplicated yung routine... naloka ako. Nung mawalan kami ng direct supervisor, i decided to assist jobert in organizing and re-organizing (na sobrang kawindang, definitely not my forte) then i ended up being an all-around substitute, replacing parollers here and there, and Pima in the actual presentation itself. needless to say, nagkalat ako. (though with pride naman, hehehe.) sorry.

in fairness, proud ako sa ujp ah - kami na nga nag-ayos ng mga acetate sa parol, kami pa ang handlers. now that's dirty work, and we're proud of it. =) sana hindi magbago ang pagka-down-to-earth and highly reliable ng mems ng org =)

* * *

these past few days, i haven't been getting right sleep. maybe i'd sleep all day tomorrow, hehehe. =) (but then again, kailangan ko mag-lib! argh dorkness!) anyway, panay kasi mga christmas parties chuvalence.

monday night, night-out with jaycee, awin and tati, sa katips lang.

tuesday night, illuminations plus org get-together of sorts. happiness.

wednesday night, i went with a few blockmates to punchline. panalong humor, grabeng tawa. plus, andun pa si john. o di ba. namiss ko rin ang gago. hinatid pa niya kami sa bahay. di ba bengga.

thursday night, post-lantern parade celeb, at ultimate pre-xmas org thing. hehehe. kagagaling ko lang dun. shet mamimiss ko to pagkagraduate ko! =(

i swear, matutulog na ako tomorrow! hehehe... =)