Dec. 19, 2004

home, finally

revert to matinong lifestyle mode

hay. nakauwi rin. actually, i was scheduled to be back here tomorrow morning pa... for some reason, i didn't really want to be home so soon.

i was talking to her the other night, tas sinesermunan niya ako, bakit ba raw ayaw kong umuwi eh namimiss na raw ako ng pamilya ko andeverytheng. sabi ko sa kanya, i was feeling very weird - parang ayokong umalis ng apartment dahil feel ko di na ako babalik. tapos, nag-iba, feel ko naman may maiiwan ako sa apartment na KAILANGAN ko na hindi ko na mababalikan. ang weird ng angas ko. ang sabi lang niya sa akin, tinotopak ka ata.

ewan. siguro dahil sa first christmas vacation ko ito from my solo flight. siguro malungkot lang talaga ako dahil that last day we were together, i had a terrible hang over and i really wasn't the most pleasant person to be with, not to mention i was highly disagreeable when i was drunk the previous night and fucken talking over the phone. lesson number one - lasing, bitawan ang fone, pwede?

hmmm okay, pwede mag-sorry? =(

tomorrow morning, punta ako inquirer with auntie and krista (hopefully) para kumuha ng cheke para naman may magastos kami dito sa bahay (wow proud, sagot ang noche buena) ngayong holiday season.

kanina, pag-uwi ko, nalaglag ko yung backpack ko nung makita ko yung gradpic kong pagkalaki-laking naka-frame sa may dining table. bwakana, ano ako last supper? hehehe. =)

tinitipid na naman niya ako sa text. ewan ko ba, hindi naman ako territorial dahil alam kong wala akong karapatang maging territorial pero kasi sawang-sawa na akong natatapakan ang personal space ko eh, punyeta. kung pwede lang makipaglaglagan dito, pasalamat siya may pakialam pa ako sa kanya at sa social life niya, na kung uudyukan ako eh pwede kong... argh, wag na lang para wala na lang gulo.

(pero kate, tatlong buwan na lang, kelan pa?)

edi never. ganun ba talaga kahirap sagutin yung tanong na yun?