Dec. 21, 2004

thesis mode

sa gitna ng disyembre

hay. nga pala, bumalik din ako ng QC kahapon ng hapon. o di ba. mula Inquirer sa makati, nagpunta kami nina auntie sa Makati Cinema Square para tumingin ng DVDs (nakakita ako ng Chasing Amy, kaso di ko binili. na-sad ako. pero bumili ako ng CD ng coldplay na mukhang matino. hehehe.) tapos nitawagan ako ni julie, andito sa manila ang EIC ng Bandillo ng Palawan!.

pordat, matapos mag DVD window shop, derecho nang QC ang beauty ko. (nga pala, sa may Boni Station kahapon, mga after lunch, may lumiliyab na bus. scary. naibaba naman raw agad mga pasahero, pero kahit na! LUMILIYAB FRIENDS! parang sa sine, at dama ko ang init kahit sa loob ng MRT! honest.)

anyway. i met someone new. hahaha. i heart you AD! hehehehe. =) at oo, 19 pa lang ako! (that is, until the 28th. blech. OLD!)

anyway ulit. so kaninang umaga, dapat 11.30 ang interview namin kay ms jofelle tesorio ng Bandillo ng Palawan, kaso may errand siyang ginawa kaya we rescheduled it for 4pm. sa choc kiss. kabado pero ASTIG! ang galing niya. sobrang gandang christmas gift ng interview niya sa amin! (we heart you ma'am jofelle! hehehe.)

two down, two more. come on, Bohol Times, KATTTTOOOOOKKK!!! :) hehhehe. basta ha, yung mindanews ha, before the end of the year raw eh... hayyy please Lord, itodo mo na...

hay. promise partner, bukas ko na itranscribe... di na kaya ng powers ko tonight pala, heheheh, mahina pala ako eh... heheheh =)

bukas, babalik na ako ulit ng cavite. =) siguro nagtaka yung kapatid kong bunso - huh, di na naman umuwi si ate? hay nakooo... eto na siguro ang pinakabokot kong christmas break, sa gitna ng Thesis! oh Lordy. sabi ko nga, walang PASKO-PASKO! hehehe. bawal magbakasyon! o di ba, workaholic namputcha.

anyway. nakay auntie lahat ng dilihensya ko mula sa inquirer. gusto kong ibili ng phone, kaso parang ayaw ko rin kasi ako lang makikinabang nun. sabi ko nga, magtabi siya ng 2thou, aambag ako para sa CD-RW drive ng laptop ni krista (yihee! cartwheel!), tapos the rest... um, ibili ng 1) kain at 2) toma. o di ba, ebrebadi happy! =) *except perhaps my dad, who'd be furious - huh? toma?! hahahah.*

hay. next year, todo na, dapat may sweldo na ako at totohanan na ang paggastos para sa pasko. ito na ata ang finish line ko - get decent paying, somewhat ethical job then support my current family, paaral sa mga kapatid (aba si krista, ika nga nina auntie, magco-college pa... ako naman, opo, opo... opo...) gastos sa bahay, etc...

a part of me wants to stay home and go to work from there, as in from the cavite house, as in doon ako umuuwi... kaso a part of me also wants to stay here in maginhawa.. imagine, may part of me na gustong umuwi sa isang empty room gabi-gabi... weird ba. pero iba rin yung uuwi ako sa bahay namin sa cavite, yung tipong mabubuwisit ako kay wy dahil imbis na mag-aral ng science o math eh nagsiSIMS siya or nanonood ng spongebob DVDs... yung ganun ba. hay. weird. sino bang mag-aakalang mag-do-domestic mode ako after college di ba. (and i say, the least possible thing na mangyayari sa akin in 2yrs - a stable relationship outside of family. korek.)

speaking of relationships.

hay anaknamputa ayoko lang magkagulo ngayong pasko kaya nananahimik na lang ako, pero di MO ba inisip na HINDI KO TINATANONG kung PAPAANO AKO kung itutuloy man NIYA yung kung anumang dapat niyang gawin as a logical consequence of the recent developments?

anakng, 21 pala ngayon. tingnan mo nga naman, hindi na natin napapansin halos.

sabi mo, iniisip mo pa rin ako? ano? sabi mo mas mabuting hindi NIYA ituloy ang balak niya, dahil magkakagulo TAYO kung nagkataon? akala ko ba gusto mo na ng stable relationship (apparently di ako STABLE-RELATIONSHIP-MATERIAL, aray) - o ito na. ayan na. anakngleche, tingin mo ba stable yan? well, benefit of the doubt, pero hindi sa pag-aangat ng putanginang bangko ng may bangko ano, pero i don't think it'd be as stable as it could've been with *me*. taga mo sa bato, dude.

hay. i've had it handling rebound. (pagod na ako. me rheumatic heart disease na ata ako, sakit ng pusong pagod, amputcha hahahah, shet corny, erase erase..)

i deserve better than this, punyeta. i should've realized this a long time ago.

pero di nga. pagod na ako.