March 22, 2005

temporary

kay limee (july 9, 1984 - march 20, 2005)

to quote one of my blockmates - it's been one of the more surreal few days. sino ba namang mag-aakala na darating ang panahong magkakatipon-tipon kami sa burol ng isa sa amin - nang ganito kaaga. sabi nga ni alloy, masyado pa kaming bata para sa mga ganitong klaseng "reunion."

siguro hindi masyadong maraming nakakakilala kay limee - hindi kasi siya sing-visible ko, for example, sa mass comm. mejo may pagka-tahimik, pero mataray at palaban, kung talagang may ipaglalaban. matapang. pero sweet. SOBRA. kaya siguro ganun kasi nga mataray siya, kaya kung sweet naman siya eh todo naman.

hindi kami ganun ka-close - iba kasi ang circle na mas madalas niyang kasama sa mga subjects. ang circle ko kasi, kumbaga, "bad girls," mga tambay sa ilalim ng skywalk, mga maiingay. sila naman nina hannah, wenz, jeng, mhel - sila yung mga good girls ng Journ, hehe, kumbaga. in a manner of speaking ba. pero mahal ko yang mga yan, lalo na't di kami laging nakakatambay. (absence makes the heart grow fonder daw.)

natatandaan ko, kaklase ko si mites (or limee, marami siyang pangalan hehehe) sa Journ121 under ma'am chua... eh every monday yun, 830-1130... walang mintis yan, every Sunday nagtetext siya sa akin, nag-co-confirm kung yun lang talaga yung mga assignment na binigay ni ma'am chua na due kinabukasan. mejo terrorista kasi yun si ma'am eh.

tapos naaalala ko, kapag may bagyo, text rin niya yung gumigising sa akin, nagtatanong kung may klase - malayo pa kasi ang panggagalingan, sayang nga naman kung papasok pa at magpapakahirap kung wala rin naman. so mga 630am ito, ano, tatawag ako sa UP Trunkline (or kina Julie, hehe, kung busy) para magtanong. tas itetext ko sa kanya, "dude, wala raw pasok! :)"

kasama pa nga namin siya sa galera, nitong October 2004 lang. grabe. ang bilis ng panahon...

nung una naming malaman na may sakit siya, naisip ko, naku, yun pa si limee, eh kayang-kaya niya yun, palaban yun eh... not to mention healthy living siya at spiritual pa. so di ba? nung nag-remission yung sakit niya, natuwa kaming lahat, sana tuluy-tuloy na... kaya nga siya nakasama ng galera, kaya nga sila nakapag-christmas dinner pa, kaya nga siya nakapasok ulit...

tapos pagpasok nitong taon, biglang di na namin siya nakita sa mass comm ulit. balik hospital na raw si mites.

kahapon, lunes. nakasakay ako sa philcoa jeep, mga 9:30 ng umaga. nag-text si wenz sa akin... mites went home na raw. with the Lord na raw...

surreal. nagkita-kita kami sa UP Journ Club tambayan. nagkaiyakan. punta raw kami bulacan for the first day of the wake. game naman ako.

pagdating namin dun, mga 2:30 pm (malapit lang pala ang bocaue) wala pa si mites. therefore, nakita namin siya na pinapasok sa bahay nila... nakita namin kung papano nag-break down si tita, yung mom niya... panay ang sigaw niya nun, "Anak ko... Anak ko..."

kahit namatayan na ako ng somebody close to me - my mother at that - i still couldn't possibly grasp her grief right then. sabi nga nila, ano nga ba ang tawag sa isang magulang na nawawalan ng anak? May word na Orphan, Widow at Widower... pero walang para dun sa specific situation na yun.

kagagaling lang namin dun ngayon. mejo nagtagal na kami this time. marami-rami kami - biro ko nga, ibang klase mag-organize ng block reunion si mites. sobrang effective. sabi ko na, dapat siya ang blockhead namin, kesa si albert na nag-shift rin sa eng'g...

hayy. masaya sana kasi marami kaming magkakasama, pero... iba eh. hindi beach ang pupuntahan namin, hindi outing. dumating kami kanina around 8:30 kina mites, dalawang van at dalawang car, mga 30 siguro kami... hay.

ang ganda ni mites, naka-gown siya na old rose. sabi ko nga kina wenz, magtatampo yun kung di niyo titingnan, maganda pa naman raw siya... sila kasi yung sobrang close kaya hindi nila kaya pang tingnan...

hay. sabi nga ni tita, buti na lang yun, hindi na in pain si mites. and besides, i'm quite sure she's happy where she is right now.

so mare, pano ba yan? kita-kita na lang tayo diyan...