Nov. 5, 2005

mmmbop

aylabyu taylor! --c.1997

sabado kasi, at ang gimik ng Magic eh "nicest of the 90s". nakasakay ako sa isang PRC na jeep, papasok na sa trabaho. di ko lang talaga mapigilan ang aking ngiti nang marinig ko ang kantang ito.

hayy.. all those high school-y memories washing over me. kahit na hands down-best years i can remember ever ang moda ko re: my college life, hindi rin naman ganun kabokot ang maghigh school sa bene. kahit papano nakakamiss din maging alabanger/alabang kinda girl, lam nyo yun?

naaalala ko ang paglalakad papuntang alabang town center pagkatapos ng exams, kasi half-day lang kami tuwing exam days. usually dalawang araw yung Long Exams; yung Quarter Exams naman, 3 days. at usually, sa huling araw ng exam, mandatory ang gimik ng barkada. at ang STUDIO PICS. jusko, kung makikita niyo lang ang naipon kong studio pics. long haired me. in uniform.

wala lang. pag pinatutugtog ang "So Little Time" ng Arkarna (1998 ata?) o "Hey Now Now" ng Swirl360 (grabe, somebody tell me hindi lang ako nakakaalala sa kanila), i remember yung outings ng 1998 at 2000 ng section 11 at 36 sa laguna. na kami-kami lang nag-organize. (well, actually, ako. d0rk.)

naaalala ko ang field trip sa corregidor nung 1999. ghost hunting nina topwet at ang pagpose sa ibabaw ng mga kanyon nila ni carlo. ang retreats ng 1998 at 2000. ang songfest ng 1999. heh. much of high school was made up of 1999 memories. (hehe, hi section 36!) kasi after that, 2000 is for ajss and 2001, college na yun eh.

hay. it was a good life - may allowance ka, free board and lodging sa mga magulang mo, hatid-sundo kung may gimik. walang bisyo. heh. nakakamiss. to a degree.

grabe. 8 years ago na pala (!) since i entered high school. pero parang ang lapit-lapit-LAPIT pa rin ng mga alaala...