Dec. 15, 2005

lantern parades

maraming alaalang lantern parade-related.

nung una kong lantern parade, hindi naman ako talagang umattend. balita ko lang noon, si dante balboa ang "bidang lantern" ng maskom. hehe. instead, tumambay na lang ako sa lagoon. me mga kasama ako. *smirk* at may mga ginawa kaming hindi ko pwedeng sabihin dito. *smirk wider* actually, me vow ata na dalhin na lang sa libingan lahat ng nangyari nung lantern parade nung 2002. hehehe.

me sinabi din ata ako nung lantern parade na yun na bumago sa takbo ng buhay ko sa mga susunod pang taon.

* * *

ang lantern parade ng 2003, sa isang salita: nakakapagod. at mabigat. read: GAHAMAN. isang ubod ng laking mascot na itinakbo-takbo namin ng ujp palibot ng acad oval.

pero without a doubt, ito ang da best lantern parade in four years.

plus. tagaytay after. ♥

* * *

nung fourth year naman, was caught up mostly with the college lantern. (again) spent the night mostly with orgmates. ♥ nakakapagod din.

hirap ding i-defend yung mga parol na mukhang microwave -- pero dapat TV. hehehe. :)

* * *

pupunta ako ngayong gabi.

tutupad lang ng pangako.