Oct. 16, 2007

a morning conversation

nakakamiss ang mga ganitong post. hehehe.

Setting: alas-onse ng umaga, bumisita ang mga magulang ko. Ipinagtimpla ko ang tatay ko ng kape at ibinigay kay auntie yung cake na binigay ni irene sa min last night. Thanks Universe sa instant snacks for parents.

Auntie: Umuwi ka ngayong weekend ha? Magshop tayo. Gamit GCs mo sa SM.

Me: (matter-of-factly) Gusto mong umuwi ako at ipagshopping.

Auntie: Ng bagong damit, pantalon…

Me: Ibibili mo na ako ng bagong full-length mirror? (smile)

Auntie: Pwede rin.

Me: At saka plantsa.

Auntie: Saka plantsahan.

Me: Yung kay Krista di niya ginagamit ata.

Auntie: O sige idaan namin dito mamayang gabi pauwi, hahakutin namin dun [sa Maginhawa] yun lahat ngayon eh.

Me: O sige, ibilin na lang sa baba, kami na lang bahala mag-akyat.

Auntie: Kami? Sinong kami?

Me: (with incredulous look on face that says, Ano ba I’ve told you this di ba?) Kami ni Andrea. (off Auntie’s still-raised eyebrows) Auntie di ba, yung bago kong girlfriend? Andito siya mamayang gabi e.

At this point, may it be known my dad is actually sitting a few inches away from auntie, testing the new red wine I had given him.

(Me: Dad gusto mo ng red wine? Iyo na lang to o.

Dad: (examines bottle) Mukhang okay to ah, patikim nga.)

Auntie: So dito siya nakatira?

Me: Um, oo?

Auntie: San siya nagwowork?

Me: Diyan lang sa me Ayala.

Auntie: So may kahati ka na sa gastusin dito?

Me: (beat) Sort of? Groceries, etc…

Auntie: Alam ba ng nanay niya yan?

Me: Oo naman.

Auntie: (beat) Pa-CR nga. (beat) Sino naglilinis ng CR?

Me: Um, actually medyo madumi siya ngayon kasi toka ko yan…

Auntie: (sa loob) Wow, actually medyo malinis siya, ayos pala ang ganyang tiles no…

Me: (sigh of relief inside. It is done.)

Nakakatawa talaga mga ganitong bisita nina auntie. Parang totoo lang eh. Kakatok sila sa pinto, papapasukin ko sila, o-offeran ng masa-snack. Buti na lang talaga me cake sa ref at me kape sa pantry. Nag-init na lang ako ng tubig para kay Dad. Parang totoo lang na me bahay sa Makati ang anak nilang panganay at bumisita sila para kumuha ng papeles at makipagtsismisan.

Nakakatawa rin na parang tanggap na nila lahat ng mga kontrobersyal na bagay sa buhay ko eh. Kanina, pagkapasok na pagkapasok pa lang, me pahaging na si Auntie re: yosi.

Auntie: Kasi buksan mo ang bintana.

Dad: May exhaust ka ba dito?

Me: (to Auntie) I do! (points to windows to answer Dad)

Kanina, I could sense na mejo nalolonely si Auntie sa bahay kasi nga ala pala dun si Mama at umuwi dahil me patay. Actually ito talaga ang point ng pag-uwi ko at di ang pagsha-shopping. So uuwi nga talaga ako = gimikless Saturday night. Pero keri lang, minsan lang naman eh.

I look forward to discussing the whole thing this weekend with Auntie habang nagsha-shop. Sabay sembreak na rin ni krista so I think it’s going to be fun. (Saka for sure gustong makitsismis nun) Mukha namang agreeable si Auntie – not that me magagawa pa siya to stop it in the event that. Pero wala rin naman sa timpla ni Auntie yung may violent reaction. Interesado lang ako kung ano masasabi niya sa mga ganitong bagay.

Siguro balang araw e maiuuwi ko na si Andrea sa Cavite, tipong one Saturday night. I’m pretty sure they’d love her kasi she’s nice. I’d love to show her around the house. Not that it’s big, pero I’m proud of that house kasi it’s ours at dun talaga ako lumaki. I’d show her our street, point to houses of neighbors, take her to the roof, ganun. Marvel over old pictures, scour old notebooks.

Wala parang ang saya lang eh, naeexcite na nga ako.

Tapos bibisita kami kay mommy sa sementeryo. (Well, that’s one of the things the one that came before her never granted, by the way. Side comment lang.)

Anyway. Siguro sasabihin lang ng nanay ko sakin, “E di nadali mo rin, anak.”

Tumpak. Hahaha. =)