Dec. 14, 2007

Usapang pasko

naglitanya na ng mga “gift suggestions” for christmas ang bunso kong kapatid na si wy.

wy 
fast facts:
full name: wilmer angelo
age: 10 11! 11 na pala ang kapatid ko. [/edit]
age he speaks like: 18

option one: NINTENDO DS
press release ni wy na price range: P4,500 raw sa greenhills
price nung nagtanong ako sa SM: P9,000 (potangenang yan shet)

nintendo ds lang

wy: sige na ate, Nintendo DS na lang. yung sa kaklase ko P4,500 lang sa greenhills.
me: wala akong time na mag-greenhills. saka mas mahal pa yan sa bill ng cellphone ko.

and so we have

option two: SONY PSP
press release price ni wy na price range: P10,000
hindi na ako nagtanong sa SM baka himatayin lang ako. (sources say around 11k to 13k daw ito e)

sony psp lang

wy: pwede ring PSP ate
me: mas mahal pa sa bayad ko sa bahay yan e.

actually meron pa siyang hiningi na mp3 player, maryosep. sabi ni auntie nung magsumbong ako, “iba na talaga mga bata ngayon, hi-tech.”

pero kagabi, siguro naisip niya na walang pag-asa ang unang tatlong hiling, kaya:

wy: ate bili mo na lang ako ng beret. [edit: turns out si auntie na pala bibili ng beret. i feel horribly double-crossed. oh well.]

what: beret.
color: light blue.
where: festival mall.
how much: P120.
how much i like: 100%

(oo me percentage of like talaga promise.)

nung ikinunsulta ko ito kay andrea, pareho kami ng naisip:

shet. si ryan sa high school musical!

pansinin ang beret

anong masasabi pa sa fashion sense ng kapatid ko?

wala na. wala.