April 1, 2008

witch

dapat umuuwi ako nang mas madalas. nung linggo, naghahanap kami ng pagupitan ni auntie sa metropolis nang mapag-usapan namin yung pinsan kong doktor.

auntie: si ano, si ate mo michelle*.

ako: aling ate michelle?

auntie: si ate michelle ni auntie emma* mo.

ako: ah. bakit ano meron?

auntie: kinukulam daw siya ng best friend niyang babae.

ako: (insert taas kilay ko dito) ows?

auntie: oo kaya. hindi raw makahindi ate mo sa kaibigan niya. at nagagalit pag umaalis ng bahay nila si ate mo. pati daw nanay nung kaibigan, nagagalit.

ako: (suspicious) ayan na naman kayo eh. magkarelasyon yang dalawang yan!

auntie: (insistent) hindi, tinanong ko ate mo mismo, sabi niya friends lang daw sila!

ako: (rolls eyes) ows.

auntie: chaka me boyfriend daw yung kaibigan niya eh.

ako: (rolls eyes again) ay talaga lang ha.

auntie: tsaka kilala ang pamilya nilang ganun. (by this, she meant witchy lineage)

ako: ganon?

auntie: oo, ganun.

ako: haha ang kulit.

auntie: (natahimik) ano nga uli buong pangalan nung girlfriend mo?

ako: che.

so anyway. you know what this means? family gossip time means rumor-fleshing-out time!

here.