May 6, 2008

reunion weekend

so much of the weekend was spent in cuenca, batangas with the family and my dad’s classmates from the navy. i think their batch is now 31 years or something? and they’re still organizing reunions! an absolutely adorable bunch of men, even moreso when drunk haha.

pero pinakapanalo sa lahat si leo, anak ni tito jun, kumpare ni dad. actually para siyang si cois (pare miss lang kita i see you everywhere). dahil kami-kami lang magkaka-age bracket dun kami lang nag-uusap ganyan. over breakfast aking napag-alaman na may tao nga talagang nahuhulog sa pagitan ng mrt at nung passenger terminal/stage/whatever.

seryoso. nahulog nga siya dun. masakit daw. hahaha. sabi ko nga, shet, may maipagmamayabang na ako sa mga kaibigan ko: oha me kakilala na akong nahulog talaga dun sa gap na yun. seryoso.

at as if di pa siya traumatized gano sa mrt, natrap na rin siya sa MRT sa gabi. as in sa last trip. as in nagamit na niya yung pull in case of emergency dahil natrap siya sa loob dahil akala niya umiikot yung mrt sa north ave. PANALO.

so anyway sorry leo sabi ko naman ibebenta ko yung kwento mo e hahaha pasalamat ka wala tayong picture together.

anyway. reunions! panalo. a bunch of navy men getting together for drinks and videoke tapos yung table settings parang debut. with multicolor pink orange red yellow nets and covered chairs, why don’t i have a picture.

31st anniversary! panis na lang na 3 years na akong graduate sa college, na 7 years na akong graduate sa high school, na 8 years ago na yung ajss, na 11 years ago na yung elem dahil PUCHA mas matanda pa sa akin yung navy batch nila.

pero ika nga ni schatz, darating ang panahon…

sabi ko, a, e, wala namang takutan.