June 17, 2008

Futsal notes

aka Top 5 things na natutunan ko sa futsal sa loob ng isang taon

Isang taon na pala halos akong naglalaro ng futsal. Matatandaan, June 19, 2007 ang date ng kauna-unahang futsal match sa Club650 sa Libis, 11 p.m. Requirement lang nun e ang magpunta – no skills, no color codes, wala pa ngang sariling bola. May naka-jeans pa nga – malay ba na seryoso pala talaga ang laro. Ito ang humble beginnings ng futsal.

bola

 

Dumami nang dumami ang naglalaro – may time pa ata na 20 katao ang sabay-sabay na nagtatakbuhan sa court. Pagsipa mo ng bola, three inches later, may paa na agad. Hahaha. May time naman, 8 katao lang all in all ang naglalaro – 10 minutes pa lang laglag na baga ko. At goalie ako sa lagay na yun ha.

So ayun. Mantakin mo ba naman na a year hence e may naglalaro pa rin ng futsal. Napalitan na nga ang sunugan ng baga every payday ng laglagan naman ng baga every Tuesday. Healthy living daw o hahaha. Through futsal nasasabi ko na kahit papaano me physical activity naman ako every week at na hindi puro lamon lang ang ginagawa ko sa buhay hahaha. Marami ring new friends na nakilala, ganyan. Mga bagong kasabawan sa kape, kaululan over yosi sa Something Fishy o sa Starbucks dahil maaga nagsasara ang Coffee Bean. Hehe.

To put all those months in a single blog entry is such a task. Pero sige, subukan natin sa format na ito.

Ano ang natutunan ko sa futsal sa loob ng isang taon?

Hindi lang isang taon ang kailangan bunuin para maging Ultimate Athlete.
Pinakacommon na misconception ang: “Wow isang taon na kayong nagfufutsal, siguro ang e-expert niyo na.”
Ang usual na sagot ko dito ay isang napakahabang tawang nakakagago. Kasi as personal experience proves, hindi sapat ang one year para maging expert, or to be anywhere near expertdom (WORD!) at that. Wag kayong palilinlang kay Junjun – matagal nang naglalaro yan kaya lintek ang damoves.
But this is not to say na hindi ka mag-iimprove sa loob ng isang taon – because you do impove in a year. Marami sa amin ang takot sa bola sa simula – well, takot pa rin ngayon sa lumilipad na bola pero sino bang hinde diba – pero aba marurunong nang sumipa, palobo pa.
So hindi pa man kami ultimate athlete pa a year hence… well, we’ll get back to you in another couple of years. Hehe.

Magcheer kung may nakakagoal.
Kahit di mo kakampi, i-cheer mo. Lalo na pag hindi yung normal striker, i-cheer mo. Kapag girl, i-cheer mo. Kapag new playmate, i-cheer mo. Pucha kahit wala kang boses, magcheer ka in the best way you know how. Hehe. Kahit basa kayo sa pawis at malalagkit, mag-group hug. Aba mahirap na gawain yun ha, ang maka-goal.
Actually, kahit nga hindi pumasok yung goal, basta sa direksyon na yun ang sipa, kahit lumabas lang sa baseline yung bola, i-cheer mo kasi at least me attempt.
Magcheer din kung nase-save ng goalie yung shot. Para kahit masakit, masaya. Hehe.
Kahit magkaiba kayo ng kulay ng suot, makipag-hi-five ka. Kung lalaki ka itaas mo t-shirt mo at itakip mo sa mukha mo at tumakbo ka at magsisigaw. Aakalain nung iba ikaw ang naka-goal kahit hinde. Hehe.
Ang mas masayang laro e yung parang may teams lang pero sa totoo lang e for the sake of the game lang yun kasi nga naman anong kwenta ng futsal na isa lang ang team diba pero sa totoo lang isa lang kayong malaking team na naglalaro sa iisang court.

Kahit anong mangyari, walang sisihan.
Good pass pero alang goal? Okay lang, next time. Masyadong malakas na sipa? Okay lang, next time. Na-outside kasi parang may sariling utak ang paa? Ika nga ni Lawrence, play #22 yan. Haha. Maling pasa nakagoal tuloy sila? Okay lang yan. Hindi kasi ako nakatingin kaya nalusutan ako ng bola? Okay lang yan.
Okay lang hindi katapusan ng mundo may bukas pa ika nga ni Rey Valera.
Isa sa mga pinaka-enjoy na portion ng futsal e kahit gaano ka kabano walang nangsisisi sa yo ever. Alala ko isa ito sa mga common na worries ng mga bago sa laro: What if ipatalo ko ang team?
Unlike sa ibang sports jan (hahahahaha) alang sisihan sa ganyan. Kahit ikanal, este i-outside mo ng i-outside e hindi idinidiin sayo ang sisi. Easy lang laro nga eh. Relax, have fun see a movie play futsal! Ganyon!
Kahit makatama ka nga ng bola sa mukha TWICE di ka pa rin sisisihin. Pero pag ganun shempre magsorry ka naman. Hehe.

Masama ang droga sa katawan.
Public service reminder lang galing sa PDEA. Hahaha. Kala niyo ha.

Huwag matakot masaktan.
Ang sikreto sa isang tunay na hardcore na laro ay ang kalimutan mo na may posibilidad na masaktan ka.
Case in point: Ang one-on-one. Ang ultimate na event kung goalie ka e ang one-on-one. Madalas nakikipagpalit ako sa isang guy teammate para sa task na ito dahil sa sobrang takot. Ayan tuloy ala akong maalalang sobrang memorable one-on-one save para sa anniversary blog entry ko. Badtrip. One of these days gusto kong maka-experience ng sobrang intense na one-one-one. At gusto ko no-goal ang kalabasan nun. J Maisulat nga sa listahan ko ng life goals.
Ito na siguro ang pinakamahalagang bagay na natutunan ko sa pagtayo bilang goalie for most of the games: Ewenonaman kung masasaktan ka? Ibigay mo! Yaman din lang na ito ang laro, at ito ang ginagawa ko, ano ang point na itry kong iwasan na matamaan ako ng bola diba. E di malulusutan ako ng maraming goal. Para akong swimmer na ayaw mabasa.
Sa totoo lang, pinakamasaya ako sa games na uuwi ako na sobrang sakit ng katawan. Gusto ko yung tipong bangas-bangas ako, tipong me galos sa siko dahil nagpagulong-gulong sa floor, nauntog, nasipa, nasikmuraan ng nag-aapoy na bolang sinipa from close range, masakit ang kamay dahil nakalimutang hindi pala volleyball ang laro kundi futsal, me sprain, me strain, etc etc.
Yan ang tinatawag na sulit na laro: yung pag-uwi mo tulog agad, yung paggising mo parang gawa sa metal yung limbs mo, yung pag naligo ka di mo maitaas nang maayos yung tabo, yung pagpasok mo sa trabaho amoy ben-gay ka.
Ahhh ben-gay. The scent of hardcore. Hahaha.

*

So ano pa nga ba? Actually marami pa di ko lang mai-word lahat. J Happy anniversary futsaleros at futsaleras! To the year ahead and beyond! =D