June 18, 2008

centennial notes

 

Naalala ko isa sa mga pinakauna kong ginawa pagpasok ko sa UP eh ang sumakay sa Ikot at Toki. Noong 2001, P3.50 pa lang ang pamasahe at siguro kulang-kulang tatlong beses umikot at dumaan ng Vinzons yung jeep bago ako bumaba. Napakalaki nung lugar, pano ko mamememorize lahat ng building, kalye, palatandaan? Paano ko masisigurong di ako maliligaw e palipat-lipat pa man din ng building etong mga klase ko?

It’s been seven years since that day I was forced to open my eyes and be utterly overwhelmed. Sino nga bang mag-aakalang ang isang sheltered catholic school girl na katulad ko ay magiging at home sa isang lugar tulad ng UP?

Naalala ko tatlong sem akong may 7 am class. Yung pinakamalupit dun yung Nat Sci 2 dahil 1) sa NIGS siya, 2) second sem siya – meaning malamig ang mga buwan at 3) well, 7 a.m. siya. Kung alam niyo kung saan ang NIGS, at alam niyo na sa dulo ako ng Area 2 nagbo-board dati, then malamang alam niyo rin na walang mabilis na paraan para makarating sa NIGS in, say, five to ten minutes. Meaning, hindi talaga option ang magising nang late.

Ikot? Iikot pa yun nang pagkahaba-haba sa Bahay ng Alumni, sa gym, tatawid ng University Ave, mag-aabang ng pasahero sa KNL tapos before I know it alas-ocho na e 7 yung class ko. Toki? Isa pa yun. Pwede akong mag-Pantranco o Philcoa o SM North pero bababa din ako pagliko sa may Eng’g at maglalakad, nagbayad pa ako ng P3.50.

Ang Area 2 at ang NIGS ay magkabilang dulo ng iisang kalye – nakakagulat isipin to, pero totoo. At sabi nga sa Geom, the fastest way to get from point A to point B is a straight line. So ang ginawa ko eh nagising na lang ako nang mas maaga (brr ang lamig ng tubig tapos nakikita ko pa si Chuck nagwoworkout may room nila haha) tapos naglalakad na lang ako – yes mula Area 2 hanggang NIGS – jacket and all. Noong mga panahong ito ay nagyoyosi pa ako so imagine parang winter-winteran ang gimik ng lola niyo.

 

view sa track oval

 

Ang ganda ng UP sa umaga. Tanungin niyo si Julie, ang tunay na batang Area 2, and she would say quite the same thing, if not in a more articulate, eloquent manner. Pero yun lang, ang ganda ng UP sa umaga. Tahimik, malinis, with real tweeting of birds pramis. To add to that Autumn in New York feel aba may falling leaves. Andami kasing malalaking puno, yun lang ingat ka baka mejo matigas na branch yung mahulog sa ulo mo masakit yun.

Mantakin niyo yun, kahit na boring ang Nat Sci 2 nagigising ako nang maaga para makapaglakad nang mas mabagal. To translate it into blocks… siguro may 5 blocks/intersections din yung nilalakad ko. Una mula sa bahay hanggang kanto ng Philpost. Tapos from there to kanto ng Yakal. Tapos tawid, tapos kanto ng Eng’g. Tawid, lakad hanggang kanto ng Faculty Center. Lakad pa, tawid tapos along that road na yung NIGS.

Malayo nga kung tutuusin pero dahil malamig e pagdating ko ng NIGS kahit naka-jacket ako at nagyoyosi e alang pawis. So I guess di rin ata nagka-count yun as exercise. Partida pa yan pagpasok ko e ala pa ang mga kaklase ko. Hehe alala ko dati sa sobrang boring ng class e me tinititigan akong classmate, sobrang pretty niya kasi in that college girl way. And this was before I realized I was into girls ha, second year pa lang ata to eh. Kaklase ko rin ata siya sa Philo in a previous semester pero kasi dahil sa harap ako nakaupo nun (dork) e di ko siya gaano napansin then. Hehe wala lang kung asan man siya sana masaya siya. Me ganun. Anyway.

Until 8:30 lang yung class kong ito tapos yung next class ko either 10 or 11:30 pa ata so umuuwi muna ako para magbreakfast. Nagje-jeep na ako pauwi at bumababa sa may shopping center para bumili ng pandesal tapos uuwi na ako para mag-kape at pandesal. By this time yung roommates ko naman papasok na so solo ko na uli yung kwarto for muni-muni and review, konting sulat, pero mostly kain. Hehehe.

Eto talaga yung mga araw na marerealize mo, siyet ang dali-dali-dali lang ng buhay noon. Noon, as in *noon* ha, prior to the necessary complications we do bring upon ourselves later on in college. Pero di ba ang simple? Papasok ka, uuwi para mag-almusal, papasok ulit, uuwi para mag-aral or tambay onti, yosi sa sunken or sa waiting shed sa may philpost or sa kanto ng Bautista, yung kalye ng boarding house ko. Hayyy. Ito yung mga points in life na nakakamiss eh. Hehe.

Sa ika-100 taong anibersaryo ng UP, as usual, missing in action ako sa celebrations. Mag-iisang taon na rin pala akong dito sa Makati nakatira. Miss ko na umattend ng Lantern Parade, maki-tili sa Oblation Run, tumambay sa Sunken for no reason, mag-Fair gabi-gabi, kumain ng cheese corn sa may Faculty Center, magkape sa main lib steps, magsayaw sa ilalim ng Carillon, manood ng murang pelikula sa Film Center, makipaglasingan sa Lagoon. Nakakamiss mag-emo (hindi pa ito yung term noon hehe) sa Music, yung katsudon dati na masarap sa canteen nila, ang still smokeable ilalim ng skywalk.

Nakakatawang isipin na dati iniisip ko kung papano ko mamememorize lahat ng buildings, kalye at palatandaan, pero ngayon ni hindi nga ako makatigil sa kakadagdag ng mga lugar.

The other night nanaginip akong bumalik ako sa UP tapos gusto ko raw mag-enroll, kaso nung naghahanap ako ng subjects sa AS wala raw akong makitang gusto ko kaya umuwi na lang ako. Hindi ko alam kung anong mensahe ng panaginip, o kung stressed lang ako or excited para kay cy hehehe.

 

to the sky and beyond

  

Maligayang sentenaryo sa yo UP, at maraming salamat!